23
Vice Ganda
By

Vice Ganda, may nakakahiyang moment kay Jose Mari Chan

Sharing is caring!

Hindi malilimutan ni “Fantastica” star Vice Ganda ang naging engkuwentro nila ng kilalang singer-songwriter na si Jose Mari Chan.

Sa episode ng “It’s Showtime” noong Martes, Dec. 4, ikinuwento ni Vice kung paano sila nagkita ni Chan at halos ipanalangin umano niyang lamunin na lang siya ng lupa sa sobrang kahihiyan dito.

Nangyari umano ito sa wedding reception nina Karylle Padilla at Yael Yuzon sa Tagaytay noong 2014.

“E di inaantay ‘yung mga pagkain, eh na-c-CR ako, sabi ko sa kasama kong bakla, ‘Bakla samahan mo ko, CR tayo,’” panimula niya.

Nagpunta umano siya kasama ang kaibigan sa restroom.

Hindi umano siya nagtagal sa loob ng cubicle at lumabas saka nag-ayos ng sarili sa salamin pero nainip umano siya sa tagal lumabas ng kasama niya.

“‘Bakla ang tagal mo tapos na ko ikaw pa inaantay ko ngayon!’ Tapos walang sumasagot, ‘yung isang cubicle hinahampas ko, ‘Bakla anong petsa na!’” aniya.

“Tapos di kumikibo. ‘Ah talagang binibwisit mo ko, pinag-aantay mo ko.’”

Akala umano ni Vice ay kaibigan niya ang nasa loob ng cubicle kaya kumuha siya ng tabo at binuhusan sa paa ang nasa loob ng cubicle.

“Binasa ko ‘yung paa niya tapos ayos ako ng buhok. Paglabas ng cubicle, si Jose Mari Chan,” sabi ni Vice.

“Sabi ko talaga, sabi ko, ‘Sorry po…’ Nakita ko talaga basa ‘yung sapatos niya, at tsaka ‘yung pantalon niya basa.”

Saka niya napagtanto na nagkamali siya na si Chan pala ang nakaupo noon sa toilet at binuhusan niya ng tubig.

“So nung tinaas niya, basa ‘yung pantalon niya. Sabi ni Jose Mari Chan, ‘Is that you?’” aniya.

“‘Hindi po ako yun…’ Ayoko nang kumain, gusto ko nang umuwi. Eh, di ba syempre respetado yun… tapos kinalampag ko, ‘Bakla! Bakla!’” kuwento pa ni Vice.

Tawang-tawa naman ang co-hosts niyang sina Mariel Padilla at Anne Curtis sa nakakahiyang moment na ito ni Vice.

Matapos umano ang nangyari ay siniguro ni Vice na siya ang unang magpapatugtog ng Christmas songs ni Chan tuwing holiday bilang respeto umano rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }