5,527
Vice Ganda, Kuya Escort magdyowa na?
By

Vice Ganda, Kuya Escort magdyowa na?

Usap-usapan ang next episode ng ‘Gandang Gabi Vice’ kahit pa hindi pa ito naeere.

Ito’y dahil napabalitang umamin na ang host na si Vice Ganda at ‘Kuya Escort’ ng Showtime na si Ion Perez sa relationship nila.

Sa taping umano nangyari ang nasabing pag-amin, makikita sa mga picture na magkayakap silang dalawa na nasaksihan nina Bea Alonzo at Charo Santos para sa promotion ng pelikulang ‘Eerie’.

Saad pa sa ilang post, si Ion umano ang umamin sa relationship nila ni Vice dahil hirap na raw itong magtago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?