206

Sep 15, 2021 @ 21:26
By

Vice Ganda kinampanya si Diokno

May isa nang senatorial bet si Vice Ganda sa darating na eleksyon.

Sa kanyang Twitter account, inihayag ng “It’s Showtime” host ang pagsuporta sa muling pagtakbo ni human rights lawyer Chel Diokno sa pagka-senador.

“CHEL DIOKNO FOR SENATOR,” tweet ni Vice nitong Miyerkoles, na humakot na ng 7,481 retweets at 35.4K likes.

Sinabi ni Diokno na muli siyang tatakbo sa Senado dahil napakaraming bagay ang hindi patas sa bansa.

“Gawin nating mas makatarungan ang buhay ng mga Pilipino,” tweet niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?