256

By

Vice Ganda, Jackque nagkaiyakan sa ‘It’s Showtime’

Naging madamdamin ang pag-uusap nina Vice Ganda at Jackque Gonzaga sa “It’s Showtime”.

Sa pagsisimula ng Miss Q&A segment ng “It’s Showtime” tinanong ni Vice kung ano ang ginawa ni Jackque noong Linggo.

Sinabi ni Jackque na nagsimba ito, kaya tinanong siya ni Vice kung ipinagdasal ba umano siya nito.

Sagot ni Jackque, “araw-araw, gabi-gabi.”

Hindi naniwala noong una si Vice kaya tinanong nito kay Jackque kung ano ang ipinagdasal nito.

“Sabi ko, i-bless ka, pati pamilya mo, pati happiness mo,” sabi ni Jackque na naiyak sa sinabi niya kay Vice.

Niyakap siya ni Vice na sobrang touch sa sinabi ni Jackque .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?