129

Jun 25, 2021 @ 12:24
By

Vice Ganda: Interview kay PNoy, best episode ng GGV

Sa dinami-rami na ng nakapanayam ng komedyanteng si Vice Ganda, maituturing niyang isa sa the best ay nang makadaupang-palad niya si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sa Instagram post ng ABS-CBN artist, sinabi nito na isang pribilehiyo na nakausap niya si PNoy noong ito’y nagsisilbi pa sa bansa.

Tinuturing din niyang highlight ng kanyang career ang panayam kay Noynoy sa ‘Gandang Gabi Vice’.

“That was one of the highlights of my career and also one of the best episodes of my program,” saad ni Vice Ganda, kung saan binahagi niya ang larawan kasama si PNoy.

“Thank you very much Sir Noy for the honor to personally meet you and have that once in a lifetime experience.”

Sa nasabing episode, sinabi ni Vice Ganda na si Noynoy lang ang natatanging presidente na kanyang binoto na hindi niya pinagsisihan.

“Magmula po noong magkaroon ako ng muwang dito sa mundo at naimulat ako, masasabi kong kayo po ang pinakamatinong presidente na naranasan ko matapos ang nanay niyo,” sambit ni Vice kay PNoy sa dating interview.

“Nagpapasalamat ako na kayo ang Pangulo ng bansang ito dahil nakakatulog ako sa gabi at sigurado akong hindi ako ninanakawan ng Pangulo ko.” 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?