239

Sep 18, 2021 @ 13:25
By

Vice Ganda inokray sa P20K ayuda

Naglabas ng saloobin si Vice Ganda nang ma-bash siya matapos ilantad ng tinulungan niya ang perang ibinigay niya rito.

Ito kasi ang naging topic ng usapan nila ng isang contestant sa “It’s Showtime” kung saan ang contestant ang gumagastos sa mga kapatid kahit may sarili na siyang pamilya.

Dito binahagi ni Vice ang tungkol sa pagbibigay niya ng pera sa nangangailangan pero pang-ookray ang natanggap niya.

“May tinulungan ako. Hindi ko pinagmalaking tinulungan ko pero ‘yung tinulungan ko sinabi niyang tinulungan ko siya tapos nilabas niya kung magkano ‘yung tinulong ko sa kanya.

“Tapos nabasa ko sa mga comment, ‘Ganoon lang pala ang binigay ni Vice Ganda, P20,000 lang?’ Napalunok ako. Parang kapag ako ba ‘yung tumulong dapat may presyo?

“Tumulong na ako nang kusa, ayoko ko ngang magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo ‘yung pangalan ko, tapos inokray pa ako, nasaktan ako talaga,” sambit ng comedian.

“Pag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. Pag tumulong ka, kukuwestiyonin pa bakit iyon lang ang tinulong mo. That hurts so much,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?