1,065

Sep 17, 2021 @ 20:50
By

Vice Ganda inilantad tunay na itsura ng buhok

Nag-hair reveal si Vice Ganda sa latest vlog niya.

Ipinakita ni Vice ang totoong itsura ng buhok niya kapag wala siyang wig.

Kasama ang nobyo niyang si Ion Perez, nagpa-scalp treatment si Vice sa salon ni Ryan Bang sa Quezon City at dito nalantad ang totoo niyang buhok.

“This is the grand reveal. Ipapakita ko sa inyo ang sitwasyon at kalagayan at kondisyon ng aking anit sa kasalukuyan… Ito po ang buhok ko sa totoong buhay,” sey niya.

“Mahaba na ‘yung buhok ko pero manipis kasi ‘yung harap,” dagdag niya.

Panoorin ang buong vlog niya sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?