ABANTE vice ganda customized van
By

Vice Ganda gumastos ng malaki sa fabulous interior ng kanyang van

Sharing is caring!

Nangunguna naman si Vice Ganda sa mga ka-liga nya sa panibagong pasabog na pinoste nya sa kanyang Instagram wall.

Naloka hindi lang ang mga followings ni Vice sa social media, maging ang ilan niyang mga kasamahan sa industriya.

Pinoste ni Vice ang larawan niya sa loob ng isang magarang van.

Pina-costumized ni Vice ang interior ng sasakyan na parang sa mga Hollywood superstars.

Gumastos nang malaki si Vice sa bago niyang resting-moving van, na makikita naman sa fabulous interior nito na may white carpet sa sahig, mocha leather sets, mini-bar, led TV at sunvisor blinds sa bawat bintana.

Kinabog ni Vice ang pink-roving resting bus ni Pokwang na bigay ni Kris Aquino, ang bus ni Robin na pina-convert nya bilang dressing room at resting vehicle sa mga shootings at tapings.

May bus rin si Gretchen na pina-interior nya ang loob para sa personal holding at resting place.

Sa pagkaka-pose ni Vice sa loob ng kanyang van, para talagang isang foreign o international star si Vice.

Sa dami nang pera ni Vice, balewala sa kanya ang gumastos para sa convenience niya sa trabaho, lalo’t sinasabing ang pelikula ni Vice na “The Revengers” ang number one-top grosser entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2017. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?