409

Sep 27, 2020 @ 21:01
By

Vice Ganda, Coco, Angel nagbigay suporta sa Bayan Muna

Tatlong big star mula sa ABS-CBN ang nagpaabot ng mensahe para sa ika-21 anibersaryo ng Bayan Muna.

Pinuri nina Angel at Vice ang naging pagsuporta ng naturang party-list para sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Bumilib naman si Coco sa matapang na paglaban ng Bayan Muna para sa karapatang pantao ng mga Pinoy.

Saad naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa ABS-CBN News, hindi sila nahirapang makuha ang suporta ng tatlo lalo’t isa ang kanilang party-list sa naglaban para maipasa ang prangkisa ng network.

“Ang mga members and officers ng Bayan Muna sa iba’t ibang mga chapter ng Bayan Muna ang nagrequest na hingan ng pagbati sina Coco Martin, Vice Ganda at Angel Locsin dahil nami-miss na ng karamihan sa kanila na makita sila sa free TV mula ng ibasura ng 70 congressmen ang prangkisa ng ABS-CBN,” saad ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?