194

Oct 14, 2020 @ 18:12
By

Vice Ganda binoldyak muli ni Quiboloy

Nagpatamang muli si Pastor Apollo Quiboloy sa comedian na si Vice Ganda.

Ito’y matapos mapikon si Quiboloy sa lumabas na artikulo sa Facebook fan page ng ABS-CBN na Kapamilya Kingdom kung saan siya ang tinitira ng mga fan dahil sa umano’y pagkuwestiyon sa pagpapalabas ng mga show ng Kapamilya Network sa Zoe TV o Channel 11 na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva.

Sa video na naka-post sa FB page ng DZAR 1026 noong October 13, giniit ni Quiboloy na hindi siya ang kumuwestiyon sa deal kundi isang concerned na miyembro ng Jesus Is Lord dahil sa pagpapalabas umano ng homosexuality sa istasyon ng religious leader, partikular ang show na “It’s Showtime” kung saan host si Vice.

Nabuhay muli ang ngitngit ni Quiboloy kay Vice na siya aniyang unang humamon sa kanya.

Magugunitang sa isang episode ng “It’s Showtime” pabirong hinamon ni Vice si Quiboloy na ipa-stop ang traffic sa EDSA pati na ang longest-running TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Reaksyon iyon ni Vice matapos ipangalandakan ni Quiboloy na pina-stop niya ang lindol sa Mindanao.

“Nabanggit ninyo si Vice Ganda, ngayon masama ang loob ninyo. Sino ba ang unang naghamon sa akin. Hindi ko kayo pinakikialaman sa ABS-CBN. Wala akong pakialam sa inyo kahit dinudurog pa ninyo ako sa mga balitang fake news noon pa ‘yan ha. Pinagpasensiyahan ko kayo,” sabi ni Quiboloy.

“Sa isang programa ni Vice Ganda natatandaan ninyo noong November ‘yun hinamon ako. Hindi ko nga siya pinakikialaman. HIndi ko nga pinapanood ‘yun e. Pinapanood ko diyan ‘yung mga programang matitino. Eh, binanggit niyang pangalan ko,” sambit pa niya.

“Naghamon ka, kayo ang nanguna. You drew the first blood. Tinanggap ko ‘yung hamon. Kinasihan ako ng Ama kasi pang-iinsulto ‘yung ginawa ninyo humahalakhak pa kayo. Ngayon napahinto ang ABS, nawalan ng prangkisa, nawala ang ‘Probinsyano’ at lumuwang ang EDSA. Eh di natupad lahat ng hamon mo,” banat pa ni Quiboloy kay Vice.

“Hindi ako galit sa inyo. Tinutuwid ko lang mga ginagawa ninyo. Puro kalaswaan, kalokohan,” dagdag niya.

https://www.facebook.com/DZAR1026/videos/434324210866888/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?