977

By

Vice Ganda, Abueva, 2014 pa magkakilala!

Sharing is caring!

Ipinaliwanag ni Phoenix Fuel Masters player Calvin Abueva ang naging ‘real score’ nila ni Vice Ganda.

Sa naging interbyu ng ‘Fast Break’ sa radio show ng dzMM, sinaad ni ‘The Beast’ na naging magkakilala sila noong 2014 pa, dahilan upang maging ninong ang komedyante ng kanyang anak.

Pakli rin ni Calvin, ‘sweet friends’ lang umano sila ni Vice.

“Close lang. Close. Sa amin, sweet friend kami,” aniya. ” ‘Yung anak kong bunso, pangalawang bunso, inaanak niya.”

Matatandaan na ilang beses ng namataan si Vice sa mga laro ni Calvin Abueva, at umiiwas din sa interbyu ang noontime show host tuwing ang manlalaro ang paksa.

Ibinahagi din ni Vice ang video nila kasama si Calvin sa isang bar na todo ang closeness sa isa’t isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?