113

Dec 18, 2017 @ 19:58
By

Vice-Coco ramdam ang ‘gap’ dahil sa MMFF

Kahit hindi vocal sina Vice Ganda at Coco Martin, marami pa rin ang nag-i-insist na may epekto sa friendship ng dalawa ang tapatan nila sa Metro Manila Film Festival 2017.

Of course, parehong inaasahan nina Vice at Coco na magna-number one sa nasabing filmfest ang kani-kanilang project.

Pareho namang malakas ang dating ng ‘The Revenger Squad’ ni Vice at ‘Ang Panday’ ni Coco, pero marami pa rin ang humuhulang ang pelikula ng ‘It’s Showtime’ host ang magna-number one sa MMFF 2017!

Actually, dahil nga sa magandang feedback sa ‘The Revenger Squad’ na pinagbibidahan din nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, obvious na mas lalong ginaganahan si Vice sa pagpo-promote ng kanilang filmfest entry.

Tama ba ang nakarating sa aming balita na kapag nakalampas na sa P200M ang kita ng pelikula ni Vice ay may malaking percentage na ng kita nito ang mapupunta sa tinaguriang unkabogable box-office star? (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?