81

Dec 20, 2017 @ 16:50
By

Vic Sotto si Robin Williams ang peg

Open si Vic Sotto na gumawa siya ng indie film. Ang problema lang daw ay hindi siya naka-commit dahil sa araw-araw niyang trabaho sa TV.

“Marami na akong na-receive na offers to do an indie film. Actually, gusto kong subukan talaga ‘yang indie. ‘Yun nga lang, problema ang schedule.

“Nasa Eat Bulaga ako from Monday to Saturday. Tapos may taping pa tayo ng Bossing & Ai.

“Nakakapag-shoot lang ako ng movie tuwing umaga bago mag-Bulaga. Tapos resume shooting after the show.

“Sa indie di naman puwedeng gano’n eh. May hinahabol silang deadline at kapag more than 10 days na ang shooting nila, over-budget na ‘yun.

“Hopefully, makakagawa rin tayo ng indie film,” sabi ni Bossing.

Gusto na rin daw ni Bossing Vic na mga magiging tema ng future projects niya ay comedy pero may seryosong tema tulad ng mga pelikula ng mga Hollywood comedians na sina Steve Carell at ng yumao nang si Robin Williams.

“Gusto na rin natin pasukin ang ibang phase sa career natin. Gusto ko ring gumawa ng serious roles pero nandun pa rin ang humor.

“Tulad dito sa Meant To Beh, it’s family comedy pero nandun ang puso. Makaka-relate sila sa mga family situations sa movie.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?