111

Aug 4, 2021 @ 13:21
By

Vic Sotto lolo na uli

Isinilang na ni Kristine Hermosa nitong Martes ang ikalimang supling nila ni Oyo Boy Sotto na si “Vittorio Isaac.”

Ibinahagi naman ng mag-asawa ang bagong miletsone na ito sa Instagram.

“Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga,” ani Oyo sa kanyang post.

“To my family and friends, thank you for all your prayers. I love you. Welcome to the world Vittorio Isaac. I love you @khsotto,” dagdag pa niya.

Taong 2011 nang ikasal ang dalawa. Bukod kay Vittorio Isaac, may apat pang supling ang couple na sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentin at Kaleb Hanns.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?