799

Dec 22, 2017 @ 12:27
By

Vic Sotto iniiyakan ang pagdidisiplina sa anak

Minsan na ring nadurog ang puso ni Vic Sotto dahil sa kanyang mga anak at ang pagnanais nitong madisiplina the “Filipino way” ang mga ito.

Napag-usapan ang tungkol sa kung paano si Vic bilang isang ama sa kanyang mga anak, kung sya ba’y spoiler o disciplinarian?

Nagkuwento si Vic sa ilang mga sitwasyon kung saan ipinangako nya sa kanyang sariling hindi na niya gagawin uli ang mga ginawa nya sa ilang mga anak para madisiplina ito.

Ikinuwento ni Vic na umiyak sya sa ginawa nya sa isang anak nang disiplinahin nya ito. Hindi dinitalye nang komedyante ang paraan ng pagdidisiplina pero nadurog ang puso nya sa ginawa nya kaya never na nyang inulit ito.

Si Vic ang takbuhan ng ina nang kanyang mga anak para lang disiplinahin ang mga ito. Sa apat na mga anak nang komedyante, si Paulina lang ang hindi nakatikim ng kanyang disciplinarian action.

Mula kay Danica, Oyo Boy hanggang Vico, nasampolan na raw nya ang mga ito ng disiplina.

Mismo raw kasing sina Dina (nanay ni Danica at Oyo), at pati na si Coney (nanay ni Vico) nagsabi noong disiplinahin ang kanilang mga anak.

For sure hindi naman grabe ang ginawang disiplina ni Vic dahil kilala ang pagiging mababa ang loob nito sa kanyang mga tsikiting na halos hindi madapuan ng palo sa katawan.

Anyways, sabi ni Vic, minsan lang raw nakatikim ang nasabing anak nya ng disciplinarian action mula sa kanya at hindi na yun naulit.

Mukhang hindi makakatikim ng disiplina ang bagong baby ni Vic na si Talitha paglaki nito. Base sa kuwento ni Vic, hindi iyakin pag nagugutom ang anak nila ni Pauleen.

Gumagawa lang ng ito ng mahinang ingay para lang raw magpapansin kapag nagugutom.

“Chikadora” ang tawag ni Vic kay Talitha. Para raw gusto nang magsalita nang anak sa mga responses nito at sa cute na pagi-ingay nito ng bahagya.

Syanga pala, ang pelikula ni Vic ngayong MMFF2017 ay “Meant To Beh”. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?