106

Oct 13, 2020 @ 11:50
By

Vic Sotto dedma sa basher ni Tali

Nagsalita na si Bossing Vic Sotto sa mga taong nanunukso sa kanyang anak na si Tali sa murang edad nito.

Sey ni Vic, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang sayang dulot ng kanilang bulilit ni Pauleen Luna, at keber sa mga basher na nangpipintas kay Tali.

“Tapos ‘yung mga ilan na hindi natutuwa, ako, hindi ko na lang pinapansin ‘yon eh. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yon. I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan or may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at that time,” ayon kay Vic sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.

Aniya, hindi maiiwasan na may mga tao talagang iresponsable sa paggamit ng social media kaya’t hinayaan na lang niya ang mga ito.

Si Baby Tali ay madalas makita sa ‘Eat Bulaga’ lalo’t work from home si Bossing, at uma-appear din sa mga social media post ni Pauleen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?