27

Jan 30, 2021 @ 20:19
By

Vic, Pauleen nagdiwang ng 5th wedding anniversary

Ngayon ang 5th wedding anniversary nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Ikinasal ang dalawa sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa noong January 30, 2016.

November 2017 nang isilang ang kanilang baby Tali.

Sa Instagram binati ni Pauleen si Vic, “With the Lord, we can do anything together. Happy 5th Wedding Anniversary, my love! My heart gets bigger every year because of your love.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?