37

Jul 9, 2018 @ 15:20
By

Vic Manuel bumandera sa BPC

Nanguna sa listahan si Alaska forward Vic Manuel sa mga kandidato sa Best Player of the Conference na paparangalan pagkatapos ng elimination round ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Malaki ang naging improvement ni Manuel sa ikalawang conference para makakuha siya ng PBA best average na 24.18 points per game, 6.27 rebounds, 1.0 assist, 0.82 steal at 0.64 blocks.

Nang dahil sa 80-point bonus na nakuha ni Manuel sa 8-3 win-loss record ng Alaska, naungusan ng 31-anyos ang ilang local PBA players kabilang na ang reigning four-time MVP na si June Mar Fajardo.

Nakapagtala si Manuel ng 37.2 statistical points per game.

Pumangalawa sa kanya si Fajardo na may 36.8 SPs per game, Sean Anthony (35.4 SPs) at Stanley Pringle (35.0 SPs).

Pumasok din sa top 5 si Meralco’s Chris Newsome na may 33.5 SPs. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?