6

By

Vic kay Maine: She’s very talented

Sharing is caring!

Naniniwala ang respetadong komedyante na si Bossing Vic Sotto na natural na aktres si Maine Mendoza.

Sa presscon ng pelikulang “Jack Em Popoy”, natanong si Vic hinggil sa pagiging artista ni Maine.

“Ako kasi paniwala ko, ‘pag ikaw ay talento, tamang himas lang, lalabas at lalabas,” ani Vic.

“Kasi mas maganda ‘yung nakikita mong nadi-develop ‘yung artista na may sarili siyang kusa. Dahil ako naniniwala, itong si Maine, she’s very talented,” sabi pa ni Vic.

Hanga din ito sa talento ni Maine na pagda-dubsmash na hindi umano lahat ng tao ay nagagawa ng basta-basta.

“Kung wala kang talent, hindi ka sisikat sa gano’ng paraan; dun pa lang, alam kong she’s very talented,” ani Vic.

Matatandaang sumikat si Maine sa pagiging Dubsmash Queen taong 2015. Ito rin ang naging daan para madiskubre siya ng “Eat Bulaga” at kalaunan ay naging bahagi na ng programa.

Dito sinasabayan niya ang buka ng bibig ni Kris Aquino at iba pang sikat na personalities na nagiging comedy.

Samantala, isa sa entry sa taong ito na Metro Manila Film Festival ang “Jack Em Popoy” na mapapanood sa December 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?