68

Dec 20, 2017 @ 15:21

Vic, gustong maging ‘cool dad’ kay baby Tali

Maganda ang nangyari sa taong ito kay Vic Sotto, mapa-trabaho man o personal na buhay.

Una ay may pambato siyang pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ‘Meant To Beh’ na tiyak na kikita na naman sa takilya.

Ngunit ayon kay Vic, walang papantay sa sayang nararamdaman niya sa pagdating ni baby Talitha Maria sa buhay nila ng kanyang asawa na si Pauleen Luna, ayon sa Push.

“I am grateful to the Lord for giving me the chance to be a good father again,” anang aktor sa promotion ng kanyang pelikula sa MMFF.

“At my age, having her is truly a blessing – one of the highlights of my life.”

Ani Bossing, gusto niyang makilala siya ng kanyang anak bilang masayahin at puno ng kuwela na daddy o ‘cool dad’ ngunit gusto rin naman niya na maging istrikto para ituro kay baby Tali ang tama at mali base sa karanasan niya sa buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?