396

Nov 30, 2017 @ 21:31

Viagra, mabibili na ‘over the counter’ sa 2018

Hindi na kailangan ng mga kalalakihan na humingi ng prescription sa mga doktor para makabili ng Viagra dahil mabibili na ito ‘over the counter’ sa mga botika sa 2018, ayon sa manufacturer nitong Pfizer.

Subalit paglilinaw ng Pfizer, mabibili lamang ito sa Great Britain at hindi sa mga botika dito sa Pilipinas.

Ayon sa US pharmaceutical giant, nakatanggap na sila ng authorization mula sa British regulators kasunod ng kanilang ginawang konsultasyon sa publiko.

Subalit iyong may mga sakit sa puso ay kinakailangan humingi ng prescription mula sa kanilang mga doktor para matiyak na hindi ito magkakaron ng komplikasyon sa kanilang sakit.

Sinasabing bawal ding gumamit ng Viagra ang mga lalaking may sakit sa kidney at atay.

Dahil sa desisyon, hindi na kailangang bilhin pa sa website ang gamot na ito para sa mga lalaking may problema sa kanilang mga sandata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?