272

Jan 1, 2018 @ 14:48
By

Vhong sa kanyang Tatay: “Kapit lang Dad, hindi ka niya pababayaan”

Ang dalangin nitong kumapit at huwag bibigay ang tanging mensahe ni Vhong Navarro para sa ama nyang nakaratay sa ospital.

Touching and very emotional ang larawang pinoste ni Vhong sa kanyang Instagram wall bago pa ng salubong sa Bagong Taon.

Makikita ang dalawang kamay na magkahawak sa isa’t-isa. Payat at tila tuyot na may dextrose needle ang kamay nang tatay ni Vhong sa larawan na halos hinang-hina.

Bahagya na lang ang pagkakakapit nito sa kamay nang anak. Ang kamay ni Vhong ay mahigpit sa pagkakahawak sa kaanyang ama na gaya nga nang caption sa larawan.

@vhongx44, “kapit lang dad, kaya mo yan, di ka nya pababayaan, I love you so much”.

Dalawang beses nang nagdaos ng kanilang holidays si Vhong sa ospital. Ang una ay nong Pasko, ang ikalawa ay nitong Bagong Taon.

Umani nang napakaraming well-wishers ang IG account ni Vhong na nanalangin na sana ay matupad ang wish nitong gumaling ang kanyang ama at mapanatili ng It’s Showtime host ang katatagan nito sa dinadaanan pagsubok sa buhay. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?