214

Jun 18, 2020 @ 17:36
By

Vhong Navarro diniin sa rape

Trending ang pangalan ng aktor na si Vhong Navarro dahil sa isang post ng dating TV host.

Sa Facebook, kinwento ni Kat Alano kung papaano siya ginahasa ng isang popular pang celebrity hanggang ngayon, at rhyming umano ang pangalan nito sa salitang ‘wrong’.

“When I was raped by #rhymeswithwrong celebrity who is still famous, who had a smear campaign against me to destroy my career and silence his many victims, I was wearing a t-shirt and jeans,” ayon kay Alano.

Saad pa niya, pinilit umanong tanggalin ang kanyang jeans ng nasabing rapist habang siya’y walang malay, at giniit na wala sa damit ng isang babae kaya ito nare-rape.

Ayon pa kay Kat, hindi umano niya magawang makasuhan ang nasabing celebrity dahil madi-dismiss lamang umano ang kanyang mga kaso dahil sa impluwensya ng tito ng aktor.

Dahil sa clue ni Kat, inisip ng mga netizen na ang artista na pinapatamaan ng dating host ay si Vhong, na dati na ring nadawit sa rape case kay Deniece Cornejo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?