197

Aug 22, 2018 @ 13:58
By

Vhong itinanggi na wala na si Billy sa ‘It’s Showtime’

Natanong ang lead actor ng “Unli Life” na si Vhong Navarro kung totoong wala na ang co-host niya sa “It’s Showtime” na si Billy Crawford. Itinanggi naman ito ni Vhong.

Ayon sa comedian actor, nag-leave lang daw si Billy dahil maraming dapat tapusin. At ini-enjoy lang daw muna ng co-host ang pagbabakasyon. Nasa honeymoon stage pa rin daw kasi si Billy.

Kinasal si Billy last April sa sexy actress na si Coleen Garcia.

Pagtatanggol pa ni Vhong walang isyu ang “It’s Showtime” kay Billy. Pinagbigyan lang daw ng noontime show ang hiling ng singer-TV host na siya ay magbakasyon ng matagal-tagal.

‘Di raw nila alam kung kelan babalik si Billy sa “It’s Showtime. Pero kapag may time naman daw ang TV host ay sumisilip ito sa programa.

Sa ngayon, masaya ang komedyanteng actor dahil sa success ng pelikula niyang “Unli Life” na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Tapos na ang PPP festival, pero extended sa mga sinehan ang “UL.”

Biro nga ng producer niya na si Mother Lily sa kanilang victory party, “Lalo mo ako pinayayaman.”
Samantala, napabalitang nag-propose na si Vhong sa kanyang longtime girlfriend. Ayaw naman niyang i-discuss o mapag-usapan kung kelan sila pakakasal.

Binibigay lang daw niya ang kagustuhan ng girlfriend na maging private pagdating sa kanilang relasyon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?