19

Jul 30, 2021 @ 14:58
By

VFA hindi na lulusawin, Malacañang nangatwiran

Ang pagpapanatili sa istratehikong interes ng Pilipinas ang nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte para huwag nang ituloy ang pagbawi sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos magdesisyon ang Presidente na hindi na lulusawin ang kasunduan sa ilalim ng RP-US Mutual Defense Treaty.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naging malinaw na ang posisyon ng Estados Unidos sa usapin kasama na eito ang obligasyon at commitment ng Amerika sa MDT.

“PRRD’s decision to recall the abrogation of VFA is based on upholding PH strategic core interests, the clear definition of PH-US alliance as one between sovereign equals, and clarity of US position on its obligations and commitments under MDT,” ani Roque.

Ang desisyon  ng Presidente na hindi na i-abrogate ang VFA ay matapos ang naging pag-uusap nila noong Huwebes ng gabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin sa Malacañang.

Pero sinabi ni Roque na mananatili ang foreign policy ni Pangulong Duterte na makikipagkaibigan ito sa iba’t ibang mga bansa para sa pambansang interes ng Pilipinas.

“PH will, however, continue to engage other countries for partnership that work, based on our core national interests,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?