60

Dec 29, 2017 @ 16:29
By

Veto ni Duterte sa GAA, malabong ma-override – Batocabe

Hindi nakikita ng ilang kongresista na io-override ng Kongreso ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na items sa General Appropriations Act (GAA).

Katuwiran ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, malinaw ang kapangyarihan ng Presidente na mag-veto ng mga item sa appropriation, revenue at tariff bill.

Sabi ni Batocabe, maaaring mapag-usapan lamang ng liderato ng Kamara ang tungkol sa veto.

Pero tiyak aniyang igagalang ng Kamara ang gusto ng Pangulo lalo’t hindi naman kontrobersyal ang na-veto na bahagi ng GAA.

Kabilang sa na-veto ang mga probisyon sa pagdaragdag ng pondo, benefit grants at collection fees ng Department of Education (DepEd), Energy Regulatory Commission (ERC) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa kanyang veto message sa mga mambabatas, tinawag ng Pangulo ang nasabing mga probisyon na ‘riders’ na isiningit ng mga kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?