117

Dec 27, 2017 @ 19:25
By

Veto message ni Duterte sa 2018 budget, isinumite na sa Kongreso

Naipadala na sa dalawang kapulungan ng Kongreso kahapon ang 11 pahinang veto message ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa nilagdaang General Appropriations Act of 2018.

Apat na items ang na-direct veto ng Pangulo kabilang na dito ang monitoring expenses para sa mga board members ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), paniningil ng bayad sa Reacquisition ng Phillipe Citizenship, paggamit ng maintenance and other operating expenses para pambayad sa ibang gastusin ng Department of Education at ang paggamit ng income ng Energy Regulatory Commission para sa dagdag na operational requirements ng Komisyon.

May mga probisyon din sa 2018 National Budget ang inihanay para sa conditional implementation.

Kabilang dito ang paglikha ng trust fund mula sa mga makukulektang bayad sa express lane ng Bureau of Immigration sa airport para pambayad sa overtime pay ng mga immigration officers.

Kabilang pa sa vineto ng Pangulo para sa conditional implementation ay ang probisyong may kinalaman sa double programming ng funding sources, universal health insurance coverage funding requirement at iba pa.

Nakasaad sa Konstitusyon na may kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na i-veto ang ilang probisyon ng general appropriations act, revenue o tariff law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?