23

Veteran journalist Nestor Mata, pumanaw na

Sharing is caring!

Sumakabilang-buhay na ang beteranong journalist na si Nestor Mata nitong Huwebes ng hapon.

“At 2:07 pm today, veteran journalist Nestor Mata passed away at the age of 92,” sabi ng anak nitong si Jan Mata sa Facebook post.

Nagsimula bilang reporter ng Philippine Herald si Mata at kalaunan ay naging executive editor ng Lifestyle Asia Magazine.

Naging kolumnista rin siya ng Manila Standard at Malaya.

Siya ang nag-iisang nakaligtas nang bumagsak ang eroplanong sakay si dating Pangulong Ramon Magsaysay sa Mt. Manunggal sa Cebu noong 1957.

Ayon sa ulat, ngayong Biyernes ang burol ni Mata sa St. Peter Chapels sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?