477

Mar 8, 2018 @ 11:11
By

Veteran actor Bernardo Bernardo pumanaw na

Patay na ang aktor na si Bernardo Bernardo sa edad na 73.

Sa panayam sa radyo, sinabi ng pamangkin nitong si Susan Vecina Santos na binawian ng buhay si Bernardo ngayong Huwebes at ibuburol ito sa St. Peter’s Chapel sa Quezon City.

Hindi sinabi ni Santos ang kinamatay ng kanyang tiyuhin, pero sa Facebook post noong Enero ng aktor, nakakita umano ng tumor ang mga doktor sa kanyang pancreas.

Humingi noon ng panalangin si Bernardo sa kanyang mga tagasuporta at mga kaibigan dahil sa naturang sakit.

Isa sa mga kilalang karakter na ginampanan ni Bernardo si Steve Carpio sa ABS-CBN sitcom na “Home Along Da Riles” kasama si comedy king Dolphy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?