111

Apr 21, 2021 @ 8:50
By

Vessel sumadsad sa lupa; PCG rumesponde

Sumadsad sa baybayin ng Surigao del Norte ang isang vessel nitong Lunes ng hapon.

Sa kanilang incident report, nilahad ng Philippine Coast Guard Station Surigao del Norte na rumesponde sila sa pagsadsad ng LCT Cebu Great Ocean sa baybayin ng Barangay Cantapoy, Malimono bandang 3:38 ng hapon, Abril 19.

Ang 20 crewmembers ng nasabing sasakyan ay nawawala umano, na pinaghahanap ng mga tauhan ng PCG.

Samantala, napag-alaman sa paunang imbestigasyon na ang LCT Cebu Great Ocean ay puno ng nickel ore at naglalaman ng humigit-kumulang na 2,000 litro ng diesel.

Nakipagtulungan ang PCG Surigao Norte sa Marine Environmental Protection Unit ng PCG District North Eastern Mindanao para inspeksiyunin ang posibleng oil spill sa kalapit na katubigan.

Naglabas na rin ang PCG ng “Notice to Mariners” para sa posibleng pagkakahanap ng mga ‘nawawalang’ marino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?