22

Jun 19, 2020 @ 10:20
By

Vergeire: Ilang parte ng Cebu Province, nanatili sa GCQ

Nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa general community quarantine (GCQ) pa rin ang ilang lugar sa Cebu Province.

Sa pahayag ni Vergeire, sinabi nito na tanging Cebu City at Talisay lamang ang nag-iba ng quarantine classification mula June 15 hanggang 30.

Ang Cebu City ay nilagay sa enhanced community quarantine (ECQ), habang nakataas naman ang modified ECQ sa Talisay.

Ayon kay Vergeire, tanging ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease lamang ang may karapatang mag-anunsyo ng mga klasipikasyon ng quarantine sa bawat lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?