20

Jun 25, 2021 @ 16:19
By

Venus Raj grumadweyt sa UK

Nagtapos si beauty queen Venus Raj sa Oxford, England, United Kingdom.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang mga litrato ng kanyang graduation ceremony sa Oxford Centre for Christian Apologetics (OCCA).

Makikita sa isang larawan ang tila diploma na iniabot kay Raj.

“This journey at the OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics is a journey of testing faith, delighting in God’s presence, enjoying fellowships, increasing knowledge, having meaningful conversations, discovering gifts, empowering opportunities, revisiting struggles, and gaining life-long friends,” caption niya.

Hindi idinetalye ni Raj kung anong natapos niya sa OCCA ngunit proud niyang sinabi ang mga hashtag na #Graduatenaposawakas at #UwianNa.

Si Raj ang tinanghal na 4th runner-up sa Miss Universe 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?