45

Sep 23, 2020 @ 16:35
By

Venus Raj ‘di bet maging politiko

May ibang gustong pagsilbihan si beauty queen Venus Raj.

Ang Panginoon.

“Sa totoo lang, I really want to serve the Lord, and by ‘serving,’ I mean really sharing the word of God to people,” sey ng Miss Universe 2010 4th runner-up.

“Kasi yes, to give food is one thing, but that food can only last for a day or two. But if you give them the spiritual food that can actually transform their lives for eternity, to me that’s weightier compared to just getting them through the day,” aniya pa nang maging guest sa “Queentuhan” nina Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti, at Carla Lizardo.

Sabi ni Raj, marami mang nanghihikayat na pasukin niya ang larangan ng politika ay “hindi iyan ang tinitibok ng puso ko”.

Taong 2014 nang matagpuan na aniya niya ang gusto niyang gawin sa buong buhay niya.

“Alam mo ‘yung pakiramdam na in love ka sa Panginoon, na gusto mo Siyang pagsilbihan ng buong buhay mo? There’s really nothing else that I see doing in this life than to serve Him,” wika ni Venus.

“It’s been a journey serving the Lord through ministries, through sharing the word of God, through the youth organization that I’m part of, and through the family that I also belong,” saad niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?