Venus kay Serena: ‘Sensya na utol!’

Sharing is caring!

Maagang natapos ang comeback ni Serena Williams sa women’s singles tennis, pero siguradong hindi na rin masama ang loob niya dahil ang kumaldag sa kanya ay ang ate na si Venus.

Pinag-impake ni Venus si Serena 6-3, 6-4 sa third round ng BNP Paribas Open sa Indian Wells, California nitong Lunes.

Dalawampung taon na ang karibalan ng magkapatid, ngayon lang ulit nanalo si Venus sapul noong 2014.

Sa second round ng 1998 Australian Open, tinalo ng noo’y 17-year-old na si Venus ang 16-anyos na kapatid. Pero sa final sa Melbourne nitong 2017, nanaig ang noo’y buntis na si Serena para ibulsa ang 23rd Grand Slam title.

Mula noon, 14 na buwang nawala sa tour si Serena, nanganak na at ikinasal.

“That’s going to be a huge story, maybe the story of the year,” wika ni men’s No. 1 Roger Federer.

Sinara ni Venus ang 1 ½-hour match sa kanyang second match point nang mapalakas ang forehand service return ni Serena.

“I definitely know her well, but she definitely played a little bit better than she normally does,” hayag ni Serena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?