62

Dec 9, 2017 @ 17:09

Venue ng Nietes-Reveco fight, ikakasa sa China?

Naghahanap na umano ang ALA Promotions ng lugar na pagdarausan ng laban nina Donnie Nietes at Juan Carlos Reveco para sa pagdepensa sa titulo ng una.

Target umano ang buwan ng Pebrero para sa bakbakan.

“The target month is February. That is what we are working on. What we agreed on with the promoter of Reveco is a neutral venue. So the fight will not be in the Philippines or Argentina,” ani ALA Promotions president Michael Aldeguer sa SunStar Cebu.

Nakatakdang idipensa ni Nietes ang kanyang International Boxing Federation (IBF) flyweight crown laban sa challenger na si Reveco kung saan pinagpipilian na ang US, China at Middle East para sa venue nito.

Nakuha ng 35-anyos na si Nietes ang bakanteng IBF belt matapos talunin si Thailand’s Komgrich Nantapech.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?