Ventures’ lead guitarist Nokie Edwards, pumanaw na

Sharing is caring!

Sumakabilang-buhay na ang kilalang gitarista ng rock band na The Ventures na si Nole ‘Nokie’ Edwards sa edad na 82.

Nasawi ito matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa impeksiyon nang maoperahan sa balakang.

“Nokie Edwards passed away today after several months battling an infection after hip surgery this past December,” ayon sa pahayag sa website ng banda. “The Ventures family feels this loss very deeply: Nokie has been part of the Ventures’ history for almost six decades and helped to shape the early Ventures’ sound and the success of their career.”

Gaya ng mga ka-banda niya kabilang na sina Don Wilson at Bob Bogle, naging inspirasyon si Edwards ng young guitar players.

Dinomina ni Edwards at ng The Ventures ang musika noong 1960s, na may 34 separate albums.

Si Edwards din ang dahilan kaya’t napuwesto ang kanyang banda sa Rock and Roll Hall of Fame.

Kilala ang The Ventures sa mga kanta gaya ng “Walk Don’t Run”, “Wipe Out” at “Pipeline”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?