37

Dec 7, 2021 @ 18:09
By

Vendor pinagtataga ng 2 kapitbahay sa Malabon

Sugatan ang isang vendor nang pagsasaksakin ito ng kaniyang dalawang kapitbahay nitong Disyembre 5 ng umaga, sa Malabon.

Ayon kay PSSg Jeric Tindugan, nagising ang biktimang si Ireneo Bachicha, 56, residente ng Brgy. Tonsuya, nang pagbabatuhin ng dalawang suspek ang bubong ng kaniyang bahay bandang alas-2:30 ng madaling araw.

Inawat naman ni Bachicha sina Ervie Bibe, 30, at Erwin Villaruel, 31, na nauwi sa kompontrasyon.

Biglang hinawakan ni Villaruel ang biktima saka pinagsasaksak ito ni Bibe sa kaliwang bahagi ng braso at balikat.

Mabilis naman nagsitakas ang dalawa matapos gawin ang pananaksak.

Agad na isinugod sa ospital si Bachicha para gamutin ang tinamong sugat.

Batay kay chief Col. Albert Barot, pinaghahahanap na ng Malabon City police ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?