180

Apr 30, 2019 @ 13:11
By

Vendor patay sa balut

Pinaghahanap ng Pasig City Police ang isang balut vendor matapos saksakin ang kapwa vendor sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, Lunes ng hapon.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director, PBGen. Christopher Tambungan, nakilala ang suspek na si Renato Buco, nasa hustong gulang, balut vendor, na sumaksak kay Rodrigo Commendador Jr., 32, residente ng Barangay Pinagbuhatan.

Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang pananaksak alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng C-6 cor., Eusebio Avenue., Barangay Pinagbuhatan.

Nagtalo ang suspek at biktima nang tumangging magbayad ng kinaing balut ang huli.

Napikon umano ang suspek dahil sa pagtanggi ng biktima matapos na kumain ng panindang balut at hindi umano umamin sa bilang ng kinain nito na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagbunot ng patalim ng suspek at agad na inundayan ng saksak ang biktima.

Isinugod sa Taytay Emergency Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival matapos ang tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang tumakas ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?