27
drugs
By

Vendor na pusher, huli sa buy-bust sa Pasig

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang kilalang tulak ng Barangay Buting sa ikinasang buy-bust operation kaninang madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Elbert Pineda y Quizon, vendor, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Buting at kasalukuyang nakakulong sa kasong paglabag sa RA 9165.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng drug enforcement unit nang makatunog na talamak ang betahan ng droga sa nasabing lugar.

Naaresto si Pineda bandang alas-3:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng San Guillermo St., sakop ng Barangay Buting.

Nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng shabu at P200 buy-bust money.

Hindi kasama ang suspek sa listahan ng drug watchlist subalit kilala itong tulak sa kanilang barangay at kalapit na barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?