41

Mar 4, 2020 @ 19:08
By

Velasco mahilig magpalusot – Cayetano

Si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang madalas na sumisira sa usapan.

Buwelta ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Velasco matapos na palabasin ng kampo nito na ‘drama o gawa-gawa’ lamang umano niya ang pinalutang na kudeta para patuloy na manatili siya sa kanyang posisyon.

Giit ni Cayetano, lalaki siyang kausap na marunong sumunod sa usapan kung kaya´t ang kasunduan ukol sa ‘term sharing’ sa speakership ay kanyang panghahawakan at wala siyang planong sirain ito.

“I always keep to my commitment. I don’t want to be a liar,” paniniyak ni Cayetano sa press briefing.

Dahil dito, ayon kay Cayetano, kung mayroon taong hindi tumupad sa usapan, ito ay walang iba kundi si Velasco.

“Ang may problema sa commitment is Velasco not me,” giit ni Cayetano.

Bukod dito, ayon pa kay Cayetano, kilala na rin umano si Velasco na mahilig magpalusot kahit huling-huli na.

“Si Congressman Velasco sanay naman siyang mahuli, so masanay na rin siyang umamin,” ayon pa kay Cayetano.

Kaya panawagan pa ni Cayetano kay Velasco na tigilan na ang pang-iintriga at magtrabaho na lamang sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?