8

Oct 17, 2020 @ 16:03
By

Velasco magiging patas sa pondo

Pursigido si House Speaker Lord Allan Velasco na mabigyan ng patas na alokasyon ng pondo ang mga kongresista para sa kanilang mga proyekto sa distrito.

Ipinangako ito ng bagong House leader matapos na mapagtibay ng kapulungan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang proposed P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Velasco, ang hindi patas na distribusyon o alokasyn ng pondo para sa proyketo ng mga kongresista ang isa sa naging problema ng nagdaang liderato kaya sisikapin niya umanong baguhin ito.

Kung hindi man umano niya ito magagawa ngayong taon ay mayroon pa namang susunod na taon.

“With the unequal distribution pinag-aaralan namin kung ‘di pa namin magawa ngayon, meron pa naman next year pero as much as possible we do everything so that we can to fairly distribute,” ayon kay Velasco.

Unang nang kinuwestiyon noon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang inilaang P11.8 bilyon halaga ng proyekto para sa distrito ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at P8 bilyon naman kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano habang kakapiranggot lamang umano ang pondong inilaan sa kanyang distrito.

Ang hindi patas na alokasyon ng pondo ang isa sa pinaniniwalaang dahilan ng pagkadismya ng marami sa liderato ni Cayetano na nauwi sa pagkasipa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?