37

Oct 1, 2020 @ 13:13
By

Velasco imbitadong mag-privilege speech din

Sabi ng House minority, pwede namang magbigay din ng privilege speech sa Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na pinaulanan ng batikos ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Kahapon ay pinuna ni Cayetano ang umano’y absenteeism ni Velasco at pagiging incompetent umano na maging pinuno ng Kamara.

“Pwede naman si Cong. Lord Allan Velasco ay pumunta… and we invite him to go to Congress para mag-privilege speech din po siya,” wika ni House Minority Leader Bienvenido Abante sa ABS-CBN’s Teleradyo ngayong araw.

“Kung tatanggapin po ni Lord Allan ay magsalita rin po siya sa Kongreso,” dagdag niya.

Noong 2019 ay nagkasundo sina Cayetano at Velasco na maghatian ng termino sa House speakership: 15 buwan kay Cayetano na magtatapos ngayong Oktubre 2020, at 21 termino kay Velasco para sa nalalabing 21 buwan ng sesyon.

Inalok din ni Cayetano kahapon ang kanyang pagbibitiw sa puwesto pero 184 mambabatas ang tumutol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?