81

Sep 30, 2020 @ 16:43
By

Velasco ikaw na! Cayetano nag-alok nang mag-resign

Inalok ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga mambabatas sa Kamara ang kanyang pagbibitiw sa puwesto ngayong hapon.

Sinabi rin niyang kung gusto ng mga kongresista na palitan na siya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay hindi siya tututol.

“This situation, at ang ginawa ng grupo ni Rep. Velasco kagabi make it impossible to finish the budget. If our colleagues want him (Velasco) today, sige, ikaw na,” bigkas ni Cayetano ngayong Setyembre 30.

“I am offering my resignation here and now to you, my dear colleagues. The fate of the budget is in your hands,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?