44

Feb 28, 2020 @ 18:45
By

Velasco, Cayetano ‘di kailangang mag-away – PBA Rep. Nograles

Payo ng isang kongresista kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kalimutan na ang balitang kudeta sa halip ay magkamay na lamang ang mga ito sa harap ng publiko bilang pagpapakita na solido ang Kongreso at pokus sa trabaho nito.

“It would be very statesmanlike for both members of Congress kung mag-usap sila, maski na in public, mag-handshake sila, magpa-picture sila para ipakita na they are solid for the Republic of the Philippines,” ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles.

Naniniwala si Nograles na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng katiyakan ang taonbayan na walang sasayanging oras ang Kapulungan lalo ngayong nahaharap sa maraming hamon ang bansa na kailangan bigyan ng tugon ng pamahalaan.

Una nang kinumpirma ni Cayetano na nagbabalak na siya´y patalsikin at itinuro nito sa Velasco na umano´y namumuno nito.

Matatandaang si Velasco ang kahati ni Cayetano sa nabuong ‘term sharing’ na magtatapos sa darating na buwan ng Oktubre.

Dahil dito, ayon kay Nograles, wala siyang nakitang dahilan upang palitan si Cayetano dahil ilang buwan na lamang ay matatapos na ang pag-upo nito bilang Speaker alinsunod sa napagkasunduang ‘term sharing’.

“Etong haka-haka ng coup na nangyayari ngayon is a very strange thing because under the present congress mayroong tinatawag na term-sharing agreement so hindi kailangan mag-kudeta para palitan dahil ang expectation ay pagdating ng October ay maa-uphold ang term sharing agreement,” ayon kay Nograles.

Kumbinsido si Nograles na hindi susuportahan ng mga kongresista ang anumang hakbang upang sirain ang nabuong ‘term-sharing agreement’ sa pagitan ng dalawa dahil ito’y malinaw na hindi pagsunod sa Pangulo na siyang pangunahing nagpanukala nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?