66

Nov 23, 2019 @ 11:06
By

Vargas inilatag ang mga plano sa PBA

May pitong vision na inilatag si re-elected PBA Board chairman Ricky Vargas ng TNT para sa susunod na season ng liga.

Nang mahalal sa pangatlong termino nitong Huwebes, pinasalamatan ni Vargas ang mga kapwa niya board member. ‘Di aniya inasahan ang three-peat.

“I thought two successive was more than enough,” ani Vargas. “But how could I say no when I was prevailed over by the Board members? The Board is a pleasure to work with and with them behind me, the challenge is made easier.”

Una sa 7-point plan ni Vargas ang pagpapalakas ng PBA sa China. Inilunsad ngayong taon ang unang venture ng liga sa labas ng Pilipinas, at nakita nilang malaki ang market sa China.

Pangalawa ay pagpapalakas din ng online presence, kasunod ang pagpapatibay ng ugnayan ng PBA at SBP para sa Gilas program.

Ang iba pa: paglulunsad ng PBA 3×3, itutuloy ang PBA Outreach Program, patuloy na innovation para mapaganda ang PBA live viewer experience, at ang pagbibigay-ayuda sa players sa pamamagitan ng clinics hinggil sa financial management, entrepreneurship, family relations at retirement preparation.

Ang mga programang inilatag ay inumpisahan na nitong Season 44, sa tulong ng Board at hardworking Commissioner Wilfrido Marcioal na magtutulong sa Season 45 ay lalakas pa ang liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?