2,952

May 15, 2021 @ 16:08
By

‘Vape master’ Joven Olvido, tiklo sa buy-bust

Arestado sa buy-bust operation nitong Biyernes ang aktor na si Mark Joven Olvido sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.

Nahulihan si Olvido ng tatlong sachet ng shabu at marked money na P2,000.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.

Nakilala si Olvido sa kanyang nakakatawang vape tricks sa season 6 ng talent show na Pilipinas Got Talent. Ang video ng audition ni Olvido sa talent show ay kasalukuyang may 43 milyon views.

Matapos manalo ng 3rd runner up sa PGT ay nagkaroon ng ilang proyekto sa showbiz si Olvido, kabilang na ang paglabas sa mga pelikulang Unli Life noong 2018 at 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon! noong 2019.

Naging parte rin siya ng long-running TV series na Ang Probinsyano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?