8

By

Vanguardia salang bilang sports director ng Blackwater

Sharing is caring!

Sa bagong posisyon bilang alternate governor at sports director ng Blackwater, umaasa ang one time PBA coach Ariel Vanguardia na makatutulong siya sa franchise at sa mga sports program na sumusuporta sa mga Filipinong atleta sa mga nagdaang taon.

Tinalaga ng Blackwater owner Dioceldo Sy ang 46-anyos na si Vanguardia sa nasabing posisyon na magbibigay ng bagong pagsubok sa kanya matapos ang coaching stint.

“This is new to me, being a coach is different from the new positions I have now although if you think about it, you still carry or bring the same responsibility,” wika ni Vanguardia.

Nagpapasalamat din siya sa pagkakataon na ibinigay sa kanya at umaasa na ang kanyang coaching stints sa kolehiyo, sa ASEAN Basketball League (ABL) at sa PBA ay makakatulong sa kanya bilang sports at alternate governor ng Blackwater.

Nagsimula ang karera ni Vanguardia bilang coach ng Jose Rizal Heavy Bombers mula 2006 hanggang 2009, nanalo rin ito bilang Coach of the Year ng Wesports Malaysia sa ABL noong 2015 at tinulungan niya ang Dragons na masikwat ang panalo noong 2016, at noong nakaraang taon ay pinangunahan ang Phoenix Fuel Masters.

Ang trabaho ni Vanguardia bilang alternate governor ay katawanin ang koponan sa mga pagpupulong ng PBA board kapag hindi makakadalo ang governor Siliman Sy sa naturang pagpupulong.

Bilang sports director naman, inaasahan ito na magbibigay ng mga payo sa coaching staff ng Blackwater sa pangunguna ni coach Bong Ramos, at magsagawa ng sports programs gaya ng pagbuhay ng Ever Bilena Foundation na sumusuporta ngayon sa dating two-time Olympian na si Jasmine Alkhaldi.

Umaasa rin si Vanguardia na makakilala pa sila ng ilang Filipinong atleta na maari nilang tulungan para sa paghahanda nito sa iba’t ibang international events.

Huling sumabak sa pagko-coach si Vanguardia noong nakaraang buwan nang pangunahan nito ang iECO Green Warriors sa Terrific 12 of The Asia League sa Macau.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?