104

Dec 9, 2021 @ 16:08
By

Vanessa Hudgens pangarap isapelikula buhay ng inang Pinay

Sa dami na ng ginawa niyang movie, isang dream project ang target matamo ni Netflix star Vanessa Hudgens – ang maisapelikula ang pakikipagsapalaran sa Amerika ng kanyang inang Filipina.

Sa interview sa Glamour UK, sinabi ni Hudgens na mahalaga ang maikuwento ang iba’t ibang istorya sa US tulad ng kanyang ina na, nagpunta sa Amerika kahit walang kakilala.

Para kay Vanessa, ang ina niyang si Gina Cuangco ay pinakamalakas na babae na kilala niya.

“My mom is from the Philippines, and growing up, there weren’t really that many women who looked like me and my mom and my family on screen. It’s so important to share all the different stories because America is a massive melting pot,” anang aktres.

“As an immigrant, coming into the States and not knowing anyone, I can’t even imagine how difficult and challenging that is and what challenges she faced as a woman. And my father was a firefighter, so he was gone for a week and home for a week.”

Ayon kay Hudgens, umaasa siyang magsusulat din ng libro ang kanyang ina tungkol sa buhay nito na maaaring gawing movie.

Sumikat si Hudgens sa “High School Musical” ng Disney Channel. Blockbuster hit ang Netflix trilogy niyang “The Princess Switch”.

https://www.instagram.com/p/CWLpjhYJJwk/

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?