291

Jan 22, 2020 @ 15:16
By

Vanessa Hudgens naispatang ka-date si Lakers star Kyle Kuzma

Pitong araw pa lang ang nakalipas sa break up sa longtime boyfriend na si Austin Butler, namataan agad ang aktres na si Vanessa Hudgens na enjoy na enjoy sa pakikipag-dinner kay Los Angeles Lakers star Kyle Kuzma.

Batay sa TMZ report, naispatan sina Vanessa at Kyle sa Italian restaurant na Lilia sa Brooklyn noong Martes ng gabi.

Kita raw ang saya ni Vanessa habang kapiling ang NBA player.

Nagtatawanan ang dalawa over a bottle of red wine.

Super intimate din ang setting nila dahil small table lang ang kanilang gamit.

Siyam na taon tumagal ang relasyon ni Vanessa kay Austin pero tila naka-move on na ito.

31-year-old na si Vanessa habang 24-anyos si Kuzma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?