21

May 1, 2021 @ 23:12
By

Vanessa Bryant naglunsad ng clothing brand para kay Gigi

Naglunsad ng clothing brand ang misis ni Kobe Bryant na si Vanessa.

Tinawag itong “Mambacita” na mabibili sa Mambaandmabacita.org sa May 2.

Tribute ito para sa 15th birthday ni Gigi, na kasama ni Kobe na pumanaw dahil sa helicopter crash noong January 2020.

Mismong si Vanessa at mga anak na sina Natalia, Bianka at Capri ang nag-model ng mga damit.

Lahat ng kikitain nito ay mapupunta sa Mamba and Mabacita Sports Foundation, na dating Mamba Sports Foundation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?